dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, NO SHOW SA BUDGET DELIBERATIONS SA KAMARA

Loading

Hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagtalakay ng proposed 2027 budget ng Office of the Vice President sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Si Assistant Secretary Lemuel Ortonio ang pinakamataas na opisyal ng OVP na dumalo sa plenary deliberations ng budget sa Kamara.

Humihiling ang OVP ng 785.2 million pesos na budget para sa susunod na taon na 11.69 percent na mababa sa 889.23 million na pondo ngayong taon.

Naging mainit ang ilang mambabatas sa pagbusisi sa paggastos sa pondo ng Bise Presidente na nahaharap ngayon sa impeachment case sa Senado na tumatayong Impeachment Court.

About The Author