![]()
Magsasagawa ang Commission on Elections ng special election sa Batanes kasunod ng pagkamatay ni Cong. Ciriaco ‘Jun’ Gato Jr.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nagsagawa na sila ng emergency meeting upang talakayin ang paghahanda para sa special elections.
Ang halalan aniya ay dapat isagawa sa loob ng animnapu hanggang walumpung araw matapos mabakante ang posisyon.
Pinag-aaralan na ng poll body ang posibilidad ng special elections kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kung ito ay matutuloy sa November 2.
Nilinaw ni Garcia na kailangang munang palipasin ang animnapung araw bago isagawa ang special elections.
Si Gato ay namatay nitong Lunes sa edad na 66.
