dzme1530.ph

IMPEACHMENT COURT PRESIDING OFFICER CHIZ ESCUDERO, MAY AWTORIDAD NA IKUNSIDERANG MULI ANG SARILING RULING SA VOTING THRESHOLD SA PAGCONVICT KAY VP SARA

Loading

NILINAW ni Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol na may aawtoridad si Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na baguhin o ikunsiderang muli ang sarili niyang ruling kaugnay sa voting threshold para sa pagbababa ng hatol kay Vice President Sara Duterte.
 
Sinabi ni Tongol na hindi na dapat na maging usapin laban kay Escudero kung sakali mang baguhin niya ang sariling ruling na dapat ay 16 na boto para maconvict si VP Sara.
 
Ipinaliwanag ng abogado na batay sa rules, may kapangyarihan ang presiding officer na baguhin ang sariling desisyon upang maiayon sa mga batas na mas angkop.
 
Iginiit naman ni Tongol na isa lamang ito sa mga posibilidad sa isyung pinag-uusapan kaugnay sa voting threshold.
 
Posible rin naman anyang magbotohan mismo ang mga senator judge sa voting threshold.
 
Sinabi ni Tongol na target ng Impeachment Court na desisyunan bukas ang isyu matapos ang oral arguments sa pagitan ng mga abogado ng prosecution at defense panels,

About The Author