![]()
Kinuwestyon ni Vice President Sara Duterte ang pahayag ng ilang mambabatas na tiyak na sa kanyang impeachment.
Sinabi ng Bise Presidente na kung ordinaryong mamamayan ang naglalabas ng kanilang opinyon at damdamin ay normal niya itong tatanggapin.
Subalit, ibang usapin anya kapag kongresista o senador ang maglalabas ng pahayag dahil matatanong anya kung bakit sigurado gayung hindi pa natatapos ang proseso.
Tumanggi namang magkomento si VP Sara sa pahayag ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na hindi mahirap makuha ang kinakailangang 106 signatures.
Kahapon ay unanimously na inaprubahan ng 55 miyembro ng House Committee on Justice ang committee report na pumapabor sa impeachment laban sa Bise Presidente.
