dzme1530.ph

MANIFESTO OF SUPPORT PARA KAY VP SARA DUTERTE NG BAPTISTS PASTORS, HINDI AWTORISADO NG ISA NILANG GRUPO

Loading

Naglabas ng position letter ang Heartbeat International Missions hinggil sa manifesto of support ng mga Baptist pastors para kay Vice President Sara Duterte.

Sa position letter ni Dr. Ramil Q. Ofrecio, Director for Asian Region ng Heartbeat Int’l Missions, nilinaw na hindi awtorisado, hindi aprubado, at hindi nila sinusuportahan ang nasabing manifesto.

Tinawag nitong “unauthorized” ang paggamit sa pangalan at logo ng ministry sa anumang public endorsement na may kinalaman sa sinumang political candidate o public official.

Ang Heartbeat Int’l Missions ay isang gospel-centered ministry na may pangunahing layunin na ipalaganap ang gospel, palakasin ang mga local churches, at magsanay ng mga Christian workers.

Ayon sa kanila, ang paggamit ng kanilang pangalan at logo ay nagbubunga ng “misrepresentation” na nakasisira sa kanilang testimonio, kredibilidad, at ugnayan sa mga simbahan, supporters, missionaries, at ministry partners.

Dahil dito, mariing hiniling ng Heartbeat Int’l Missions ang agarang pagbawi sa nasabing manifesto, mga publication, online posts, printing materials, at iba pang promotional content dahil hindi ito awtorisado at nakakasira sa imahe ng ministry.

Una itong ginamit ng mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte ang umano’y endorsement ng grupo, kasabay ng panunuya kay Manila Congressman at Bishop Benny Abante Jr., na umano’y iniwan na ng kanyang mga pastor.

About The Author