dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, KINUMPIRMANG HUMIRIT SA ICC NA MULING BISITAHIN ANG KANYANG AMA SA PIITAN

Loading

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na naghain siya ng panibagong request sa International Criminal Court (ICC) na payagan siyang bisitahin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Disyembre.

Inanunsyo ni VP Sara ang kanyang hiling sa tribunal sa isang pagtitipon kasama ang Overseas Filipino Workers sa Hong Kong.

Sinabi ng Bise Presidente na umaasa siyang pahihintulutan ng ICC na mabisita niya ang dating pangulo na nakakulong sa The Hague, Netherlands.

Nahaharap ang nakatatandang Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong war on drugs, at magsisimula ang kanyang trial sa Nov. 30.

About The Author