![]()
Balik-sesyon na ang Senado ngayong araw ng Lunes kasabay din ng pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Matapos ang isang buwang recess, inaasahang sisimulan nang talakayin ng mga senador sa plenaryo ang panukalang ₱7.2 trillion national budget.
Samantala, sa impeachment trial, inaasahang magsisimula na ang paglalatag ng mga ebidensya at testimonya ng defense panel.
Una na ring inilatag ni Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ang schedule para sa paglilitis.
Sa schedule ng Impeachment Court, magkakaroon ng full-day hearings mula 10 a.m. hanggang 6:30 p.m. sa November 10, 12, 13, 19 at 20.
Ngayong Lunes, sususpindihin ang impeachment trial para sa plenary session ng 3 p.m., gayundin sa November 11.
Mas magiging maikli naman ang hearing sa November 23 upang magbigay-daan sa budget deliberations.
Inaasahang aaprubahan ang budget bill sa 2nd reading sa December 3 at 3rd reading sa December 7 na susundan ng Bicameral Conference Committee deliberations mula December 10 hanggang 12, hanggang sa paglagda sa Bicameral Conference Committee Report sa December 21 at ratification sa December 22.
