![]()
Kasunod ng pagbasura ng Supreme Court (SC) sa lahat ng petisyon hinggil sa impeachment, panahon na para humarap si Vice President Sara Duterte sa impeachment court, ayon sa House prosecution panel.
Ayon kay Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., legal spokesman at counsel for the House panel of prosecutors, kailangan nang sagutin ni VP Sara ang mga isyu sa impeachment court.
Nilinaw naman ng abogado na ang ruling ay hindi hatol kung guilty ba o hindi ang Bise Presidente, kundi nagbibigay-daan lamang upang makapagprisinta na rin ang magkabilang panig ng kanilang mga ebidensya sa bawat artikulo ng impeachment.
Ayon sa SC En Banc, dinismis ang mga petisyon dahil “moot” na ang mga ito, sapagkat nakumpleto na ng Kamara ang constitutional duty nito na i-initiate ang impeachment complaint at naipadala na rin ang Articles of Impeachment sa Senado.
Dahil dito, sinabi ni Tolosa na ang susunod na hakbang ay ang pagharap ng Bise Presidente sa Senate Impeachment Court.
