dzme1530.ph

VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, HANDA SA ANUMANG MAGIGING DESISYON NG IMPEACHMENT COURT

Loading

Handa si Vice President Sara Duterte anuman ang kahihinatnan ng impeachment trial laban sa kanya.

Ito ang tiniyak ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Paolo Panelo sa gitna ng nalalapit na pagtatapos ng paglilitis.

Sinabi ni Panelo na maging sila ay naniniwalang posibleng matapos na sa December ang paglilitis dahil lima hanggang anim na testigo na lang ang natitira sa defense panel.

Binigyang-diin ng abogado na hindi nababahala ang Bise Presidente sa takbo ng impeachment trial at handang harapin anuman ang kahihinatnan.

About The Author