![]()
Nakipagpulong ang Department of Agriculture (DA) sa pork processors para pag-usapan ang hiling ng grupo na exemption mula sa two-month ban sa importation sa selected pork cuts.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magkakaroon muli sila ng meeting sa Martes, Dec. 1, para talakayin pa ang request ng processors.
Aniya, inaasahang makakasama rin nila sa pulong sa susunod na linggo ang mga hog producers.
Una nang inilabas ng DA ang Department Order No. 33, na nagpapahintulot sa 60-day quantitative restriction sa importasyon ng selected pork cuts, matapos maapektuhan ng pagdagsa ng imported meat ang local hog industry.
