dzme1530.ph

TROY ROSARIO, PINATUNAYAN NA “ALWAYS READY” PARA SA GILAS PILIPINAS

Loading

Pinatunayan ni Troy Rosario na palagi siyang handang tumugon sa tawag ng Gilas Pilipinas.

Pinutol ng two-time PBA champion ang kanilang family trip noong nakaraang linggo matapos tawagan para palitan ang injured na si Rhenz Abando.

Inabisuhan si Rosario, isang araw bago lumipad ang team patungong Malaysia.

Sinabi ng Barangay Ginebra big man na agad niyang tinanggap ang alok, kahit ang kapalit ay isinakripisyo niya ang tatlong araw na bakasyon ng kanyang pamilya sa Ilocos Norte.

Una nang inihayag ni Gilas Head Coach na kinuha nila si Rosario dahil ito ang kanilang “best plug and play player” na versatile at alam na ang kanyang sistema.

Makakasagupa ng Gilas sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ang Syria sa Nov. 27 na susundan ng Iran sa Nov. 29.

About The Author