dzme1530.ph

LEGAL TEAM NI DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE, NANINDIGANG DAPAT IBASURA NG ICC ANG KASO NITONG CRIMES AGAINST HUMANITY

Loading

Nanindigan ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ibasura ng International Criminal Court o ICC ang kaso niyang crimes against humanity.

Iginiit ng legal team ni Duterte na ang mga sinasabing kaso ng pagpatay dahil sa anti-drug war ay dapat na litisin sa domestic courts sa Pilipinas at hindi sa ICC.

Sa kanilang pre-trial filing, sinabi ng legal team ng dating pangulo sa pangunguna ni Peter Haynes na walang sapat na batayan ang alegasyon ng prosekusyon.

Iginiit ng legal team na kahit mapatunayan ang 85 charged murders at dalawang attempted murders, hindi naman ito maituturing na systematic attack laban sa civilian population ng Pilipinas.

Magsisimula ang paglilitis sa kaso ng dating pangulo sa ICC sa November 30.

About The Author