![]()
Tiniyak ng Malacañang na hindi made-dehado ang Pilipinas sa negosasyon sa Pax Silica.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi papayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anumang kasunduan na mapapahamak ang mamamayan ng bansa.
Kasabay nito, hinimok ni Castro ang mga grupong tumututol sa Pax Silica Initiative na sa halip na mag-ingay sa kalsada ay makipagdayalogo na lamang nang maayos sa pamahalaan.
Binigyang-diin ng opisyal na hindi papasok ang Pangulo sa negosasyong hindi batas ng Pilipinas ang masusunod.
