dzme1530.ph

MACY’S THANKSGIVING DAY PARADE, IPINAGPALIBAN BUNSOD NG BANTA NG BAGYO

Loading

Ipinagpaliban ang 100th Annual Macy’s Thanksgiving Day Parade sa New York City hanggang sa Sabado bunsod ng projections ng major storm.
 
Ito ang unang pagkakataon na na-postpone ang parada dahil sa severe weather.
 
Sa statement, sinabi ng Macy’s na ang kaligtasan ng kanilang participants at spectators ang kanilang top priority.
 
Pagkatapos anila ng close consultation sa kanilang city and agency partners, nagpasya sila na iurong ang selebrasyon ngayong taon.
 
Sinuspinde ang parada simula 1942 hanggang 1944 noong World War Two, subalit hindi ito kailanman na-postpone dahil sa masamang panahon.

About The Author