Pumanaw na ang hinahangaang volleyball coach na si Sinfronio “Sammy” Acaylar sa edad na animnapu’t anim (66).
Ayon sa news release ng Premier Volleyball League, binawian ng buhay si Acaylar kahapon ng madaling araw, bunsod ng cardiac arrest, matapos ma-confine sa Perpetual Help Medical Center sa Las Piñas City.
Jan. 27 nang ma-stroke si Coach Sammy, dahilan upang ito ay ma-ospital.
Nag-iwan ng legacy si Acaylar sa Philippine Volleyball, lalo na sa NCAA, kung saan pinangunahan niya ang Perpetual Altas men’s volleyball team sa 14 na championship titles – na hindi pa napapantayang record sa kasaysayan ng liga. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera