dzme1530.ph

US President Joe Biden, ipinakita ang tunay na statesmanship sa pag-atras sa reelection —PBBM

Ipinakita ni US President Joe Biden ang tunay na statesmanship sa pag-atras nito sa reelection bid.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos mag-withdraw ni Biden sa kanyang muling pagtakbo sa US presidential elections, at sa halip ay inendorso nito si US Vice President Kamala Harris bilang presidential candidate ng Democratic party.

Sa post sa kanyang X account, nagpasalamat ang Pangulo sa walang-sawang pag-suporta ni Biden sa Pilipinas sa panahon ng pagsubok.

Kaugnay dito, umaasa si Marcos na magiging maayos ang mga nalalabing buwan ni Biden bilang US President.

Ang 2024 US presidential elections ay idaraos sa Nov. 5.

About The Author