dzme1530.ph

US PRESIDENT DONALD TRUMP, TINAWAG NA ‘FAILED STATE’ ANG CUBA

Loading

Tinawag ni US President Donald Trump sa kanyang talumpati sa United Nations na “failed state” ang Cuba at malapit nang dumating ang kalayaan sa naturang bansa, na lalong ikinagalit ng communist-run government.

Ayon kay Trump, nasa ilalim ngayon ng pinakamatinding pressure ang communist regime at bukas ang kanyang administration sa paghahangad ng pagbabago ng pamahalaan sa Cuba.

Bilang protesta, nag-walkout ang Cuban delegation sa UN General Assembly habang nagtatalumpati ang US President.

Pinalagan naman ni Cuban President Miguel Diaz-Canel ang mga sinabi ni Trump, sa pamamagitan ng post sa X, kung saan ipinagtanggol niya ang kanilang soberanya at inakusahan ang US leader ng pag-iimbento para bigyang-katwiran ang pagpapataw ng mabibigat na sanctions at oil blockade laban sa kanila.

About The Author