![]()
Pinagkalooban ang US-based Filipino singer turned nurse na si Carol Banawa ng Most Outstanding Migrant Award sa 2026 Global Migrant Award Heritage People’s Ball sa Amerika.
Ipinaabot ni Carol ang kanyang lubos na pasasalamat sa tinanggap na parangal sa pamamagitan ng kanyang Instagram page.
Inamin ng “Iingatan Ka” singer na sa una ay nagdalawang-isip siya nang talikuran niya ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para lumipat sa US noong early 2000s.
Binalikan din ni Carol ang kanyang journey sa healthcare, maging ang kanyang mga sakripisyo, upang marating ang kanyang kinalalagyan ngayon.
Nagtapos si Carol ng nursing sa US noong 2020 at nakuha ang kanyang master’s degree noong 2025.
