![]()
Kumpiyansa ang Securities and Exchange Commission (SEC) na maaaring magsilbing tagasulong sa lalo pang paglago ng partisipasyon sa Philippine capital market ang nalalapit na initial public offering ng Mynt Inc., ang kumpanyang may-ari ng GCash.
Ayon sa mga regulator at opisyal ng pamahalaan, maaaring magkaroon ng malaking epekto ng IPO sa trading activity, retail investment, at paglago ng digital economy sa bansa.
Sinabi ni SEC Chairman Francis Lim na lubos nilang inaasahan na makatutulong ang GCash IPO sa pagpapalakas ng capital market sa bansa.
Tiwala naman ang Philippine Stock Exchange (PSE) na ang landmark listing ng GCash IPO ay magpapalakas ng trading activity at magpaparami ng retail investors.
Inihayag ni PSE President and Chief Executive Officer Ramon Monzon na inaasahang magiging masigla ang market activity bago matapos ang fourth quarter at magkakaroon ng malaking dagdag sa bilang ng mga bagong retail investors.
