![]()
Hinikayat ni US President Donald Trump ang kanyang Ukrainian counterpart na si Volodymyr Zelensky na itigil na ang pag-target sa diesel fuel ng Russia sa pamamagitan ng aerial attacks.
Sa kanyang official visit sa Ireland, sinabi ni Trump na huwag puntiryahin ni Zelensky ang diesel fuel sa Russia dahil magdudulot ito ng shortage.
Una nang naglunsad ang Ukraine ng sunod-sunod na drone attacks, target ang fuel infrastructure ng Russia, at tinamaan ang major processing plants at nabawasan ng malaki ang kanilang refining capacity.
Idinagdag ni Trump na ang pagtaas ng oil prices ay hindi kagagawan ng Middle East kundi dulot ng nangyayari sa Russia at Ukraine.
