![]()
Kumpiyansa ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na malalampasan ang 300-billion-peso investment approvals target ngayong 2026, sa gitna ng lumalagong interest mula sa Japanese at Chinese investors.
Ayon kay PEZA Director-General Tereso Panga, hanggang noong katapusan ng Agosto, ay halos three-fourths na ng kanilang full-year target ang kanilang investment approvals.
Sinabi ni Panga na marami ang nagkaka-interest ngayon na mamuhunan, hindi lamang mula sa China, kundi pati na rin sa Taiwan.
Binigyang-diin din ng PEZA chief na posible ang recovery sa investment mula sa Japanese firms, bunsod ng naibalik na kumpiyansa sa Pilipinas, sa pamamagitan ng Pax Silica at Luzon Economic Corridor.
