![]()
Inanunsyo ng US State Department ang paghihigpit sa visas ng mahigit animnapung public officials at prominenteng personalidad mula sa Colombia at Bolivia, bunsod ng umano’y koneksyon sa korapsyon at narco trafficking.
Sa statement, sinabi ni US Secretary of State Marco Rubio na kabilang sa pinatawan ng visa restrictions ang dalawampu’t isang indibidwal mula sa Colombia.
Kabilang sa nahaharap sa visa restrictions si Ricardo Roa Barragan, dating pangulo ng state oil company ng Colombia na Ecopetrol at campaign manager ni ex-President Gustavo Petro, na nilisan ang kanyang opisina noong Agosto.
Sa Bolivia, apatnapung katao ang pinatawan ng visa restrictions, kabilang ang mga hukom, mga miyembro ng lehislatura, at si former Attorney General Juan Lanchipa Ponce.
Ang Colombia at Bolivia ay kapwa miyembro ng Shield of Americas Initiative ni US President Donald Trump upang masugpo ang drug cartels sa Latin America.
