dzme1530.ph

UNIFORM PATTERN SA PAGGASTA AT PAGLIQUIDATE NG CONDIFENTIAL FUNDS SA DAVAO CITY AT SA OVP, INAMIN NG DATING SPECIAL DISBURSING OFFICER

Loading

Lantaran nang inamin ni dating special disbursing officer/SDO Gina Acosta ang uniform pattern sa paggasta, pag-liquidate o reporting ng confidential funds sa Davao City at sa OVP.
 
Sa pagpapatuloy ng direct examination ni Atty. Virgil Ligutan kay Acosta, inusisa nito kung paano ang reporting ng kabuuang P500-M confidential funds ni VP Sara Duterte.
 
Sinabi ni Acosta na sa apat na pagkakataon o tig-125-M, kay Col. Raymund Dante Lachica niya ibinigay lahat ang pera.
 
Si Lachica ay nagsusumite umano sa kanya ng internal documents kung saan dinala o ginastos ang pera.
 
Pero matapos na maisumite sa kanya ang fund utilization, binabawi na rin ni Lachica ang pinirmahan nitong internal document.
 
Sa pagtatanong ni Impeachment Court presiding officer Chiz Escudero, inusisa nito kung ang practice na ito ay kaparehas din ng ginagawa sa Davao City, na mabilis namang sinagot ni Acosta na “Opo, Your Honor.”
 
Si Acosta, bago naging SDO ng OVP mula 2022 hanggang 2023, nagsilbi muna itong SDO ng Davao City sa buong panahon na mayor ng lungsod si VP Sara Duterte.

About The Author