dzme1530.ph

UN SECURITY COUNCIL, MAGPUPULONG TUNGKOL SA AI, AYON SA FRENCH DIPLOMAT

Loading

Magsasagawa ang United Nations (UN) Security Council ng meeting kaugnay sa Artificial Intelligence (AI) sa susunod na linggo.

Ayon sa isang French diplomatic source, ito ay sa gitna ng lumalawak na international concern sa banta mula sa fast-moving technology.

Nakikita aniya nila ang matinding pagkabahala sa epekto ng AI, lalo na sa mga bata.

Gaganapin ang pulong sa UN General Assembly kapag nasa UN Headquarters ang host ng world leaders sa New York at ang France na may hawak sa rotating presidency ng Security Council.

Wala pang inilabas na detalye para sa eksaktong araw ng meeting.

About The Author