dzme1530.ph

REMITTANCES, PUMALO SA 7-MONTH HIGH NOONG JULY

Loading

Umakyat ang remittances mula sa overseas Filipinos sa seven-month high noong July, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
 
Lumobo sa 3.240 billion dollars ang cash remittances o perang ipinadala sa mga bangko noong Hulyo, mula sa 3.039 billion dollars noong Hunyo at 3.179 billion dollars noong July 2025.
 
Ito ang pinakamataas na remittances simula nang maitala ang 3.552 billion dollars noong Disyembre ng nakaraang taon.
 
Nananatili ang United States bilang biggest source ng cash remittances sa loob ng pitong buwan na kumakatawan sa 39.7%.
 
Sumunod ang Singapore, 7.1%; Saudi Arabia, 6.3%; Japan, 5.0%; at United Kingdom, 4.7%.

About The Author