![]()
Nakatakdang ipanukala ng European Union (EU) ang pag-ban sa paggamit ng mga 15 years old pababa ng social media, video sharing platforms, AI chatbots, at online games.
Lumawak ang pagkabahala sa buong mundo tungkol sa epekto sa kalusugan at kaligtasan ng mga bata sa major outlets, gaya ng Facebook at Instagram ng Meta, TikTok, YouTube ng Google, at ChatGPT.
Ang EU proposal ay bahagi ng EU Kids Act na ipi-prisinta nina European Commission President Ursula von der Leyen at EU Tech Chief Henna Virkkunen sa Huwebes.
Posible ring ianunsyo ni von der Leyen ang ilang detalye ng kanyang State of the Union address ang upcoming EU policy sa Miyerkules.
