dzme1530.ph

TRUST RATING NI PANGULONG MARCOS, BUMAGSAK SA 34%; VP SARA, NANANATILING STABLE SA 57%, AYON SA SWS SURVEY

Loading

Bumaba sa 34% ang trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang nananatiling stable sa 57% si Vice President Sara Duterte, batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
 
Sa survey na kinomisyon ng Stratbase Group at isinagawa sa 1,200 adult respondents noong second quarter, 34% lamang ang nagsabing malaki ang kanilang tiwala kay Marcos.
 
Mas mababa ito ng isang percentage point kumpara sa 35% na trust rating na nakuha ng Pangulo sa unang quarter noong Marso.
 
Samantala, 45% ng mga respondent ang nagsabing maliit ang kanilang tiwala sa Pangulo, habang 19% ang undecided.
 
Sa parehong survey, 57% ang nagsabing malaki ang kanilang tiwala kay VP Sara, habang 27% ang may maliit na tiwala at 15% ang undecided.
 
Ayon sa SWS, nanatiling hindi nagbago ang trust rating ni VP Sara kumpara noong Marso ngayong taon.
 
Inilabas ang resulta ng survey isang linggo bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos sa Hulyo 27.

About The Author