dzme1530.ph

TRIAL SALE NG IMPORTED-LOCAL RICE BLEND, BALAK ILUNSAD NG D-A SA SUSUNOD NA BUWAN

Loading

Plano ng Department of Agriculture (DA) na ilunsad ang trial sale ng blended imported at local rice sa piling retail outlets sa susunod na buwan.

Bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan upang mapigilan ang inaasahang pag-angat ng presyo ng bigas bunsod ng mataas na farm input dulot ng kaguluhan sa Middle East.

Una nang isiniwalat ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na batay sa computation ng DA, posibleng pumalo ang presyo ng bigas ng hanggang 62 pesos per kilo.

Ito’y matapos lumobo sa halos 3,000 pesos ang presyo ng 50-kilo bag ng fertilizer mula sa pre-Middle East war level na 1,650 pesos.

Inihayag ni Tiu Laurel na pinag-aaralan nila ang “rice blend” strategy sa pamamagitan ng pagsasama ng imported at locally produced rice bilang bahagi ng interventions upang mapigilan ang tumataas na presyo.

About The Author