dzme1530.ph

ATE GAY, PUMANAW NA SA EDAD NA 55

Loading

Pumanaw na ang Filipino comedian at TV personality na si Gil Aducal Morales, o mas kilala bilang Ate Gay, sa edad na 55.
 
Kinumpirma ng kanyang pamilya na binawian ng buhay ang komedyante kahapon, Nov. 1.
 
Inanunsyo ng pamilya Morales ang malungkot na balita, dalawang araw matapos ihayag na nasa kritikal na kondisyon si Ate Gay at umaasa lamang sa life support, makaraang dumanas ng septic shock, acute respiratory failure secondary to pneumonia, at stroke.
 
Pinasalamatan ng pamilya ang lahat ng nag-alay ng panalangin, pagmamahal, tulong pinansyal, at suporta sa naging laban ni Ate Gay sa sakit.
 
Humiling din ang pamilya Morales ng dasal para sa walang hanggang kapayapaan ng kaluluwa ni Ate Gay at para sa katatagan ng kanilang nagluluksa na pamilya.

About The Author