dzme1530.ph

DALAWAMPU’T LIMANG BANGKAY NG MGA HAYOP NA ITINAPON SA BULACAN, NAIUWI AT NAKUHA NA NG KANILANG MGA AMO

Loading

Natagpuan at nakuha na ng pet owners ang labi ng lahat ng dalawampu’t limang hayop na nadiskubreng itinapon sa isang bakanteng lote sa San Jose del Monte City sa Bulacan.

Lumapit ang mga nagluluksa na pet owners para tukuyin ang pagkakakilanlan ng kanilang mga alaga at mag-demand ng sagot mula sa pet crematorium sa Bacoor City sa Cavite.

Kinumpirma ng San Jose del Monte City Police na dalawampu’t dalawang labi ng aso at tatlong pusa ang nadiskubre noong Biyernes ng umaga.

Sa inisyal na pagsisiyasat, dinala ang mga hayop sa Bulacan mula sa Bacoor para sa cremation.

Samantala, inanunsyo ni Bacoor Mayor Strike Revilla na isinara na ang Ahjay Paws Aftercare noong Sabado ng gabi, matapos ilabas ng Business Permits and Licensing Department ang closure order.

Ipinag-utos din ng alkalde sa mga awtoridad na imbestigahan ang insidente at sampahan ng mga posibleng kaso ang may-ari ng establisimyento.

About The Author