dzme1530.ph

ISANG LIBONG PAMILYA, APEKTADO NG SUNOG SA ZAMBOANGA CITY

Loading

Aabot sa isang libong pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumama sa Bagong Dalan sa Barangay Tugbugan sa Zamboanga City, kagabi.
 
Ayon sa pamahalaang lungsod, nasa limandaang kabahayan ang nilamon ng apoy na nagsimula dakong alas-otso ng gabi.
 
Sinabi ng City Fire Department, nakontrol ang sunog, 9:57 p.m., subalit hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ang sanhi ng insidente.
 
Inihayag ng City Government na nagsasagawa na ng assessment at profiling na pinangungunahan ng City Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan ng Barangay Council.

About The Author