dzme1530.ph

TIGIL-PASADA NG GRUPONG MANIBELA, UMARANGKADA NA

Loading

Sinimulan na ng grupong Manibela ang kanilang dalawang araw na tigil-pasada ngayong Lunes.
 
Ayon kay Manibela President Mar Valbuena Jr., layunin ng kanilang transport strike na mailahad muli ang kanilang hinaing sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.
 
Sinabi ni Valbuena na kung ang mga nasa gobyerno ang magpapasan ng mga pagdurusa nila, malamang ay hindi sila magtitigil-pasada.
 
Binuweltahan din ng transport group ang mga nasasabing mga komyuter lamang ang naaapektuhan sa isinasagawang tigil-pasada at hindi gobyerno.

About The Author