dzme1530.ph

TATLO, PATAY; ANIM SUGATAN SA BISPERAS NG BARMM ELECTIONS COTABATO CITY

Loading

Tatlo katao ang nasawi habang anim na iba pa ang nasugatan kasunod ng barilan na nagsimula sa isang komosyon sa pagitan ng supporters ng dalawang magkalabang partido sa labas ng isang paaralan sa Cotabato City, sa bisperas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections.
 
Nangyari ang insidente sa Datu Usman Mampen Site, sa Barangay Bagua 2.
 
Ayon kay Police Colonel Jibin Bongcayao, Cotabato City Police Chief, sumiklab ang karahasan dahil sa away sa pila ng mga supporter ng magkalabang partido mula sa UBJP at BFP, kahapon.
 
Aniya, nagsimula umano ang gulo sa tulakan sa pila hanggang sa nagkaroon ng suntukan at kalaunan ay narinig na lamang ang mga putok ng baril sa lugar.
 
Uminit pa ang tensyon habang papalapit ang hatinggabi nang muling magsalubong ang landas ng dalawang grupo na nagresulta sa barilan.
 
Kabilang sa mga nasugatan ang isang konsehal na kinilalang si Marouph Pabo Pasawiran.
 
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

About The Author