![]()
Pumanaw na ang beteranong sports journalist na si Recah Trinidad sa edad na 83.
Inanunsyo ni Nice sa pamamagitan ng Facebook, na pumanaw kanyang ama na si Ricardo “Recah” Trinidad, ala-sais ng umaga, kahapon.
Ayon kay Nice, binawian ng buhay ang kanyang ama habang natutulog.
Nabatid na noong Hunyo ay dumanas ng heart attack ang veteran journalist.
Una nang pumanaw ang anak ni Recah na si Chino Trinidad na isa ring journalist at naging bahagi ng DZME Radyo TV noong 2024.
