![]()
Inanunsyo na ang ticket prices at seat plan para sa “The Long Take” fan meet ni Gong Yoo sa Pilipinas. Inihayag ng Pulp Live World sa X, ang presyo ng ticket ay mula 3,500 pesos para sa General Admission hanggang 12,500 pesos para sa VIP A.
Magsisimula ang pagbebenta ng tickets sa Sep. 19, 12 p.m. via TicketNet online and outlets.
Si Gong Yoo ay pinaka-nakilala sa kanyang role bilang Kim Shin sa 2016 series na “Goblin,” na pinagbidahan din nina Kim Go Eun, Lee Dong Wook, at Yoo In Na. Kamakailan ay nag-reunion ang apat para sa 10th anniversary special ng series.
Bumida rin si Gong Yoo sa “Coffee Prince,” “Squid Game,” “Train to Busan,” at marami pang iba.
