dzme1530.ph

DATING HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, NAGKAMAL NG LIMPAK-LIMPAK NA SALAPI SA LOOB NG NAKALIPAS NA TATLONG TAON

Loading

Binigyang-diin ni Ombudsman Crispin Remulla na nagkamal ng malaking halaga ng yaman si dating House Speaker Martin Romualdez na kanyang na-convert bilang assets, kabilang na ang mga mansion at iba’t ibang shareholdings sa nakalipas na tatlong taon.
 
Ayon kay Remulla, ang kasong plunder na kinakaharap ni Romualdez ay kinasasangkutan ng 7.4 billion pesos na umano’y suhol, anomalya sa budget insertions at project allocations.
 
Sinabi naman ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na nakita nila ang series of transactions ni Romualdez mula 2022 hanggang 2025 na umaabot sa 56 hanggang 57 billion pesos.
 
Ipinaliwanag ni Clavano na kinailangang i-convert ng kongresista ang pera sa ibang assets dahil hindi na nito maitago ang limpak-limpak na salapi.
 
Marami anyang nabiling mansion at shareholdings ang kongresista subalit hindi idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.
 
Sa imbestigasyon ng Ombudsman, umabot sa 15 deliveries ang isinagawa ng mga tauhan ni dating Cong. Zaldy Co kay Romualdez mula September 2022 hanggang 2025.
 
Ang monthly collection umano ni Romualdez mula kay Co ay umaabot sa dalawang bilyong piso.
 
Sinabi ni Clavano na kabuuang 42 witnesses ang kanilang hiningan ng testimonya, kabilang na ang 28 bagong testigo at 14 dating bodyguards ni Co.

About The Author