![]()
Matagumpay na naaresto ng pinagsanib pwersa ng NBI at Bureau of Immigration ang tatlong Chinese National na sangkot sa online scamming at money laundering activities sa isinagawang enforcement operation sa Angeles City, Pampanga.
Ayon sa immigration angmga operatiba mula sa Fugitive Search Unit (FSU) ng BI, katuwang ang NBI rganized and Transnational Crimes Division (NBI-OTCD), ay nagsagawa ng operasyon sa isang residential property sa Pulu Amsic subdivision, Angeles City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Zhang Zheng, 42; Ren Yi, 28; at Zhang Shengjun, 31, na nahuli sa flagrante delicto habang nagpapatakbo ng fraud online scheme gamit ang mga computer na tinatarge ang mga dayuhang biktima.
Ang operasyon ay nag-ugat sa intelligence information na ibinigay ng NBI na ang mga suspek umano ay bahagi ng tinatawag na “breakaway” scam hubs—mga grupong pinaniniwalaang binubuo ng mga dating manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na nagpatuloy sa mga illegal activities sa mga residential area upang makaiwas sa mga awtoridad.
Sa inisyal na pag-verify, ang isa sa mga suspek na may hawak na valid working visa, ang isa ay may expired visa, at ang pangatlo ay isang permanent residence.
Gayunpaman, nabigo silang tatlo na ipakita ang kanilang mga pasaporte o anumang valid documents sa immigration sa oras ng pag-aresto.
Binigyang-diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang patuloy na pagbabantay ng Bureau laban sa mga dayuhang sangkot sa mga bawal na aktibidad sa bansa.