![]()
Ibinasura ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III ang hiling ng counsel ng mga biktima na ihayag sa Tagalog ang bahagi ng kanilang opening statement sa pagdinig sa kasong crimes against humanity laban sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Isa ito sa mga napagpasyahan ng Trial Chamber sa kanilang ikalimang pre-trial conference sa ICC, sa The Hague.
Hindi dumalo ang dating pangulo sa conference kahapon makaraang aprubahan ng korte ang hiling ng mga abogado nito na huwag na itong padaluhin.
Ipinaliwanag ni Presiding Judge Joanna Korner na ang pagpapahintulot sa Tagalog na hindi kabilang sa mga opisyal na lengguwahe ng ICC ay magpapa-komplikado sa mga aplikasyon ng biktima at makadaragdag sa gastusin sa trial dahil sa translation requirements.
Sa ilalim ng Rome Statute, ang official languages ng ICC ay English at French.
