![]()
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa envoys ng France at Czech Republic, sa gitna ng pinaigting na hakbang ng pamahalaan para maibalik sa bansa si dating Cong. Zaldy Co upang harapin ang alegasyon sa pagbulsa ng bilyun-bilyong pisong inilaan sa flood control projects.
Nagsagawa ang Pangulo ng hiwalay na meeting kahapon kina French Ambassador Marie Fontanel at Czech Republic Charge d’Affaires Eva Tenzin sa Malacañang, na kapwa dinaluhan ni Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro.
Una nang napaulat na lumipad ng France at Czech Republic si Co para matakasan ang pag-aresto sa kanya.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nagpahayag si Marcos ng pagkadismaya dahil nananatiling at large ang dating kongresista sa Europe sa kabila ng mga hakbang ng gobyerno.
Idinagdag ng PCO na humiling ang Pangulo ng karagdagang impormasyon sa nangyari kung bakit pinakawalan ng Czech authorities mula sa kanilang kustodiya si Co.
