![]()
Pinagtibay ng Supreme Court of the Philippines, sa botong 8-7, na isang taon lamang ang palugit para magsampa ng kaso ng cyber libel mula nang ito ay matuklasan.
Sa resolusyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, ibinasura ng Korte Suprema ang mga motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Berteni Cataluña Causing at ng Office of the Solicitor General.
Ayon sa Korte, mananatiling saklaw ng Revised Penal Code ang cyber libel, at hindi ito itinuturing na hiwalay o bagong krimen na may ibang prescriptive period.
Ibig sabihin, kapareho ito ng traditional o written libel na may isang taong palugit para masampahan ng kaso mula sa pagkakatuklas ng umano’y paninirang-puri.
Gayunman, hati ang desisyon ng Korte kung saan pitong mahistrado ang tumutol sa naturang interpretasyon.
