dzme1530.ph

MAYORYA NG MGA PINOY, SUPORTADO ANG PANUKALA NA REBYUHIN NG KORTE SA PILIPINAS ANG WARRANTS OF ARREST NG ICC

Loading

Pabor ang mas nakararaming Pilipino na obligahin ang mga korte sa Pilipinas na rebyuhin ang arrest warrants na inisyu ng International Criminal Court (ICC) bago ito ipinatupad sa bansa.
Sa March 21 to 24 survey ng Publicus Asia Inc. kasama ang Vox Opinion Research sa 1,509 registered voters, 60% ang sumuporta sa panukala ng Senado na i-mandato ang local judicial review sa ICC-issued warrants.
25% naman ang tumutol sa panukala habang 15% ang nagsabing wala silang alam sa isyu.
Samantala, 54% naman ng respondents ang pabor na muling umanib ang Pilipinas sa tribunal habang 28 percent ang hindi payag at 18% ang nagsabing hindi sapat ang kanilang kaalaman para magpasya.

About The Author