dzme1530.ph

ERC, INATASAN ANG MERALCO NA IBALIK ANG 14 BILLION PESOS SA CUSTOMERS

Loading

Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na i-refund ang natitirang balanse na 14.17 billion pesos sa kanilang customers.

Kasunod ito ng pagkumpleto sa kanilang regulatory process para sa distribution charges na ipinatupad simula July 2022 hanggang December 2024.

Sinabi ni ERC Chairperson and CEO Atty. Francis Saturnino Juan na mandato ng ERC na protektahan ang consumers habang tinitiyak ang stable at predictable na regulatory environment.

Sa pamamagitan aniya ng pagpapabilis sa refund, mabibigyan ang Meralco consumers ng agarang relief, partikular sa harap ng tumataas na singil sa kuryente bunsod ng global at domestic factors.

Ayon sa ERC, ang naturang taripa ay batay sa actual revenues at electricity sales ng power utility sa nabanggit na panahon.

About The Author