dzme1530.ph

Supply chain ng Pilipinas, tatamaan sakaling magtaas ng taripa ang USA

Tatamaan ang supply chain ng Pilipinas sakaling magtaas ng taripa ang America sa mga produkto, sa administrasyon ni US President Donald Trump.

Ayon kay National Economic and Development Authority Sec. Arsenio Balisacan, kapag nagtaas ng taripa ang USA ay posibleng gumanti rin ang ibang bansa, at siguradong makaa-apekto ito sa global economy.

Ang Pilipinas ay parte umano ng global economy, kaya’t hindi rin tayo ligtas sa epekto nito.

Bukod dito, ang ekonomiya ng bansa ay matagal na ring apektado ng external sector kaya’t kailangan itong bantayan.

Kaugnay dito, iginiit ng NEDA Chief na dapat pang paigtingin ang mga hakbang para palawakin ang ekonomiya, kaakibat ng pagiging agresibo sa bilateral at regional trading arrangements.

Magandang bagay rin umano na ang halos two thirds ng 60% ng ekonomiya ng bansa ay domestic, at 70% ang nanggagaling sa services. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author