dzme1530.ph

Toyo Eatery at Metiz Restaurants ng Pilipinas pasok sa Asia’s 50 Best Restaurants 2023

Pasok ang dalawang Philippine Restaurant sa Asia’s 50 Best Restaurants List for 2023.

Nasungkit ng Toyo Eatery ang Rank 42 sa listahan at tinaguriang The Best Restaurant in the Philippines matapos ang debut nito noong 2019.

Taong 2018 nang makatanggap din ang Toyo Eatery ng pagkilala bilang “The One to Watch” mula sa prestigious London-based Awards.

Habang nakuha naman ng Metiz sa Makati ang No. 48 sa kaparehong kategorya.

Ang Awarding ng Asia’s 50 Best Restaurants ay ginanap sa Resorts World Sentosa sa Singapore.

About The Author