dzme1530.ph

“Spellbound” pagbibidahan nina Bela Padilla at Marco Gumabao

Magtatambal sa unang pagkakataon sina Bela Padilla at Marco Gumabao para sa pelikulang “Spellbound” na isang adaptation ng sikat na South Korean Romantic Comedy noong 2011 na pinagbidahan ni Son Ye-Jin.

Sa pamamagitan ng kanilang official Instagram page, isinapubliko ng Viva Films ang poster ng pelikula, na ipalalabas sa mga sinehan sa February 1.

Isiniwalat ni Bela sa pamamagitan din ng kanyang personal IG account na “three years in the making” ang nasabing pelikula.

Bukod kina Bela at Marco, mapapanood din sa “Spellbound” sina Rhen Escaño, Cindy Miranda, Benj Manalo, Ronnie Liang, at Moi Bien.

Ang projekto ay kolaborasyon ng Viva Films at Korean Media Company na CJ Entertainment & Media.

Ang nasabing pelikula ay nasa ilalim ng direksyon Jalz Zarate.

About The Author