dzme1530.ph

MATAAS NA GRADO, DAPAT IBIGAY KAY PANGULONG MARCOS SA KANYANG SONA

Loading

Iginiit ni Senior Deputy Speaker at South Cotabato 2nd District Rep. Ferdinand Hernandez na mataas na grado ang ipagkakaloob niya sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Hernandez na naipakita ng Pangulo ang kanyang commitment mula sa nakaraang SONA at nailatag ang lahat ng mga programa sa huling dalawang taon ng kanyang termino.
 
Tiniyak naman ni Hernandez na makikipagtulungan ang Kongreso sa Ehekutibo upang maisakatuparan ang mga pangakong programa para sa kapakanan ng mamamayan.
 
Partikular na tinukoy ni Hernandez ang pangakong palawakin ang saklaw ng income tax exemption.

About The Author