dzme1530.ph

SINGIL SA KURYENTE, TATAAS NGAYONG HULYO

Loading

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na tataas ang electricity household rate nito ngayong Hulyo.
 
Ayon sa power utility, madaragdagan ng ₱0.34 kada kilowatt-hour (kWh) ang singil ngayong buwan.
 
Ibig sabihin, ang mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kilowatt-hours (kWh) kada buwan ay madaragdagan ng humigit-kumulang ₱69 sa kanilang bayarin.
 
Iniugnay ng Meralco ang rate hike sa mas mataas na generation charge bunsod ng pagtaas ng fuel prices.
 
Nagmahal din ang singil mula sa power supply agreements, gayundin ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
 
Nagkaroon din ng pagtaas sa taxes, transmission charges, at iba pang singilin.

About The Author