![]()
Posibleng magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong pagtaas sa presyo ng diesel sa susunod na linggo bunsod ng umiigting na namang kaguluhan sa Middle East na nakaaapekto sa global supply.
Ayon sa industry source, maaaring madagdagan ng ₱2 hanggang ₱4 kada litro ang presyo ng diesel, batay sa unang apat na trading day sa Mean of Platts Singapore at foreign exchange averages.
Samantala, posibleng hindi magbago ang presyo ng gasolina, o kaya naman ay magkaroon ng ₱1 kada litrong dagdag o bawas sa naturang produkto.
Nananatili namang medyo stable ang presyo ng gasolina bunsod ng sapat na regional supply at steady demand sa Asia.
