dzme1530.ph

VICE PRES. SARA DUTERTE, WALANG NAITULONG SA MARCOS ADMINISTRATION, AYON SA PALASYO

Loading

Tahasang sinabi ng Malacañang na walang naitulong si Vice President Sara Duterte sa Marcos administration.
 
Binigyang-diin ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na habang abala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatrabaho para sa kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran ng bansa, wala umanong naitulong si Duterte sa administrasyon.
 
Reaksyon ito ng Palasyo matapos himukin ni Vice President Duterte ang mga opisyal ng pamahalaan na tigilan na ang panawagan para sa transparency at accountability kung ang layunin umano ng mga ito ay pansariling political interests.
 
Binigyang-diin din ni Castro na dapat pagsabihan ni Duterte ang kanyang mga kaalyado na tigilan na ang pamumulitika at pagpapakalat ng maling impormasyon laban kay Pangulong Marcos at sa administrasyon.

About The Author