dzme1530.ph

Senate leadership, stable —Sen. Ejercito

Naniniwala si Senador JV Ejercito na malabong may ibang senador na makakuha ng 13 boto upang palitan si Senate President Juan Miguel Zubiri.

Sinabi ni Ejercito na buo ang suporta ng mga senador kay Zubiri partikular ang grupo nilang seatmates na binubuo ng walong senador.
Aminado ang Senador na sa unang mga buwan, naging mabagal pa ang mga pagtalakay ng mga panukala sa Senado subalit tiniyak na sa mga susunod na buwan ay magiging mabilis na ito dahil natatapos na ng mga komite ang kani-kanilang mga pagtalakay.

Samantala, binigyang-diin ni Zubiri na hindi ang bilang ng mga batas ang dapat na tinitignan kundi ang kalidad ng kanilang ipinapasa.

Iginiit ng Senador na ang mahalaga para sa kanila ay makabuo ng mga makabuluhang batas na tiyak na makatutulong sa sambayanan.

About The Author